FlipTop ! Dapat ba o Hindi?
Sino pa ba ang makakatalo sa mga pinoy pag dating sa alaskahan? Isang kakaibang istilo ng rap music, ito ang FLIPTOP - First Filipino Rap battle na pinangunguhan ng matinik sa rap battle na si Anygma. Modernong balagtasan kung tawagin ng iba FLIPTOP kasi dito nadedevelop ang pagkatha ng mga lirikong rhymes sa dulo. Isa na nga ang FLIPTOP sa mga kinahuhumalingan ng mga bata at matanda sa internet, sa kanto at sa eskwela. Bagama't maganda ang paligsahang ito my ilan parin ang ayaw at tutol dito dahil maraming kabataan ang nae eexpose sa mga hindi kanais nais na salita, minsan kasi ang mga lirikong ginagamit ng mga kalahok eh mayroong kasamang mura at bastos na salita. Bastos yan ang tugon ng mga nakakarami pero sa mga kabataang tulad ko maganda ang FLIPTOP para mahasa ka pagdating sa communication pero sana mabago ng mga Rap MC ang rules nito kung saan dapat alisin at bastos at bawal n salita para nang sa ganon eh tanggapin ito ng sambayan.